Araw ng mga Bayani gawing makabuluhan – pari

MAS maagiging makabuluhan ang paggunita sa Araw ng mga Bayani kung sa halip na magkaroon ng holiday ay isagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng community service para sa kapakinabangan ng lipunan.

Ginawa ni Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng Episcopal Commission on Youth ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang pahayag kasunod nang katatapos na paggunita sa anibersaryo ng kamatayan ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., at sa pagdiriwang ng bansa sa Araw ng mga Bayani sa darating ng Lunes, Agosto 27.

Ayon kay Garganta, maraming paraan upang ipagdiwang ang okasyon ngunit kung siya umano ang tatanungin, isa sa pinakamakabuluhang paraan ay ang pagbibigay ng community service para sa kapakinabangan ng publiko.

Ipinaliwanag pa ni Garganta na ang pagbibigay ng sariling oras para sa kabutihan ng komunidad ay isang konkretong programa para sa mga naturang mahahalagang pagdiriwang.

Ilan aniya sa community service na malaki ang maitutulong sa bansa ay ang pagtatanim ng mga puno, paglilinis ng mga ilog, dam at mga daanang tubig mula sa mga basura at mga debris

Sinabi pa ng CBCP official na bagamat ang pagkamatay ni Ninoy ay nagsilbing inspirasyon para sa lahat ng Pinoy at pagbabago sa lipunan, duda naman umano siya kung ito’y nananatiling matatag sa puso ng mga mamamayan.

“In order for him to be remembered greatly, the government and school administrations must find a concrete way to provide programs that will make his life memories or spirit of self-giving be really remembered and rooted in everybody’s heart,” ani Garganta.

Naniniwala ang pari na sa halip na magkaroon ng class holiday sa mga naturang okasyon, mas makabubuting payagan ang mga mag-aaral na mag-community service bilang bahagi ng programa sa pag-alaala sa mga bayani.

Sa ganitong paraan aniya ay mararamdaman din ng mga kabataan na sila ay mga bayani sa kanilang sariling pamamaraan.

“One way can be Community Service Day for all Filipinos, that as a Filipino remembering Ninoy for his work, we will be able to say that even for a day, a person is a hero and can experience being one by helping in cleaning sidewalks or the streets or any other means of community service, which we feel is necessary nowadays. [Then], maybe we [would no longer] see wastes in any part or place in our country,” aniya pa. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply