Archdiocese ng Jaro, kakasa sa prayer power vs RH bill

KASADO na Archdiocese ng Jaro sa Iloilo para sa gaganaping prayer power rally ngayon araw laban sa kontrobersyal na reproductive health bill na mahigpit na tinututulan ng Simbahang Katolika.

Tinatayang mahigit 10,000 tao ang magtitipon-tipon simula alas dose ng tanghali sa Sports Complex ng Archdiocese ng Jaro Iloilo.

Ayon kay Jaro Archbishop Angel Lagdameo, magtitipon-tipon ang mga tao sa Redemptorist Church kung saan isasagawa ang pagro-rosaryo at magpu-prusisyon patungo sa Sports Complex kung saan naghihintay ang mga miyembro ng samahan ng ‘Diyos Gugma’.

Kasabay ng pananalangin, gaganapin din ang anibersaryo ng Foundation ng samahan.

Layunin ng activity na makiisa sa gagawing “Prayer Power Rally” laban sa Reproductive Health Bill na ang sentro ng pagtitipon ay sa Edsa Shrine, Ortigas Pasig City, sabi ni Bishop Lagdameo.

“Ang layunin ay para magdasal para sa ating bansa, para sa ating pamahalaan, ang mga mga nagsusulong ng RH ay magmulat ang kanilang mga mata at kanilang isipin ay para sa kabutihan ng bansa, we need a lot of prayers, because only God we trust can change their conscience, sana magkaroon ng Christian discernment ang mga pro-RH, at magbago ang kanilang isip” pahayag ni archbishop Lagdameo sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon kay Bishop Lagdameo, magkakaroon din ng mga pananalita ang iba’t-ibang religious at lay groups lalo na ang mga nakaranas ng hindi maganda sa paggamit ng contraceptives pills.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply