ARMM voters’ list tinapyasan, tatapyasan pa

UPANG magkaroon ng tunay na electoral reform sa rehiyon, nagsanib ang Department of the Interior and Local Government, opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at ang Commission on Elections, sa ikinasang pagtatapyas sa dating 1.8 milyong “registered voters” sa 1.5 milyon na lamang.

Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jesse M. Robredo na magkakasa pa sila ng mga paraan para lalo pang mabawasan ang bilang ng bagong 1.5 million registered voters sa ARMM na ginanap nito lamang nakaraang Hulyo 9 hanggang Hulyo 18, 2012.

“As of now, the Commission on Elections (Comelec) says the previously recorded 1.8 million registered voters at ARMM had been reduced to 1.5 million. The result of the new re-listing figures may still go down because it is still subject for further cleansing,” pahayag pa ni Robredo.

Ang inisyal na registered voters list sa Maguindanao ay 567,443 pero tinapyasan ito ng 60,000 habang sa Marawi City, na may 67,000 registered voters, ay natuklasan umano na may “padded” voters’ list na 24,000.

Ang ARMM ay kinabibilangan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Naniniwala naman ang mga opisyal ng Comelec, DILG at ARMM na ang 1.8 milyong botante na naunang naitala sa ARMM ay matatapyasan pa ng hanggang 1.2 milyon na lamang matapos ikasa ang “cleansing process.”

“If this figure of 1.2 million genuine voters will come out, then it is a clear indication that the ARMM voters list in the past was padded with 600,000 registrants,” paliwanag ni Robredo.

“The Comelec has trimmed Marawi City’s 67,000 voters down to just 43,000.If I were to interpret it right, this means that the voters’ list in the city is padded with 24,000 “flying” voters in the past,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan, sinabi ng DILG chief na ang Comelec at ARMM officials na pinanangungunahan ni OIC Gov. Mujiv Hataman ay gumagalaw na para matanggal ang mga registrants na wala pa sa tamang edad, mga patay na o kaya ay multiple registrants.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply