Army assets minobilisa sa Robredo search mission

TIWALA ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippine at Philippine National Police na magbubunga ng positibong resulta ang isinasagawa ngayong Search and rescue effort na personal nang pinangangasiwaan ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino na nagtungo sa Masbate kahapon para matunton ang kinaroroonan ni DILG Secretary Jesse Robredo at dalawang
piloto ng ill fated Cessna aircraft.

Sakay ng Philippine Air Force C-130 Cargo plane , kasamang dumating ni Pangulong Aquino bandang alas 6:30 ng umaga sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, Armed Forces chief of staff Gen. Jessie Dellosa, DOTC Secretary Mar Roxas ,Budget Secretary Florencio Abad, at  Philippine National Police chief Director General Nicanor Bartolome.

Nabatid na inatasan ni Dellosa ang kanyang military commanders sa area na malapit sa Masbate na pakilusin at gamitin ang anumang military asset na maagamit sa sinasaagwang search and rescue particular na ang
puwersa ng Philippine Navy.

Simula kahapon ng umaga ay nag-umpisa ng kumilos ang mga tauhan ng Naval Forces Southern Luzon-Bicol gamit ang mga karagdagang equipment sa pagsuyod sa  lalim ng dagat na hi9nihinalang binagsakan ng Cessna plane na sinakyan  interior Secretary Jesse Robredo.

Nabatid kay  NAVFORSOL Commander Darwin Nieva, may apat na Philippine Navy  vessels at isang  islander aircraft  ang nasa area para ayudahan ang  dalawang diving teams na una nilang ipinadala sa area.

Armado ang NAVFORSOL ng isang kagamitan na tinaatwag nilang TRIMIX ay may kakayahang galugarin ang malalim na parte ng karagatan.

Ang trimix ay isang diving technique kung saan pinaghahalo ang oxygen, nitrogen at helium sa hingahang tangke ng mga divers upang makasisid sila hanggang sa lalim mula 300 hanggang 400 talampakan depende sa kundisyon ng dagat.

Kasabay nito, personal na pinangasiwaan ni Navy Chief Vice Admiral Aexander Pama ang deployments ng navy vessels at iba pang mga assets para sa on-going search and rescue mula sa naval operations center sa punong himpilan ng Phil. Navy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply