Asawa ng dinukot na magsasaka, nanawagan

NANAWAGAN si Marisol Balaston, asawa ng dinukot na magsasaka na si Felix Balaston ng Bondoc Peninsula, Lalawigan ng Quezon sa gubyernong Aquino na ilitaw na ang kabiyak.

Si Felix ay dinukot umano ng mga elemento ng 85th Infantry Battalion ng Philippine Army noong ika-dalawampu’t pito ng Marso noong nakaraang taon habang papunta sa bukid upang mamuso ng saging.

Ayon kay Marisol, dinukot ang kanyang asawa ng mga sundalo sa hinalang siya ay kasapi ng rebeldeng New People’s Army.

Ang Bondoc Peninsula ay lukod ngayon ng matinding militarisasyon sa paghugos ng walong batalyon ng sundalo.

Ang panawagan ni Mirasol ay isinagawa sa komemorasyon ng Pandaigdigang Araw ng Sapilitang Pagkawala o International Day of the Disappeared ngayong araw.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply