Asian foreigners, bantay-sarado ng PDEA

DADAAN sa butas ng karayom ang mga Asian foreigners na papasok sa bansa kasunod ng kanilang pagkakasangkot sa illegal drug activities na nabunyag sa mga airport operations sa bansa, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Base sa datos ng PDEA simula nitong Hunyo 2012, sinabi ni Director General Jose Gutierrez na may pitong banyaga na naaresto kamakailan sa pagpupuslit ng droga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ang pitong katao ay pawang mga Asyano — 2 Malaysians, 2 Nepalese, 1 Singaporean, 1 Vietnamese at 2 Taiwanese.

Natiklo rin ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang isang Nepalese at female Vietnamese, na nagtangkang magpasok ng shabu sa bansa nitong nakaraang linggo.

Ikinostudiya rin ang isang Taiwanese matapos mahulihan ng shabu at marijuana sachets.
Sinabi rin ni Gutierrez na may 46 foreign nationals ang naarsto ng awtoridad sa paglabag sa anti-drug law mula Enero 2012 hanggang Agusto 17, 2012. Sa 46 na nadakip, 31 sa kanila ay Asyano.

Nitong nakaraang taon laman, may 45 foreign nationals ang nahuli sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na 26 sa kanila ay miyembro ng African drug syndicates (ADS).

“We have noted a rising trend in the involvement of Asians in international drug trafficking. Because of the profiling done on ADS members, PDEA found out that the ADS shifted to employing Asians as their drug couriers,” pahayag pa ni Gutierrez.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply