Assec, gising!

ILANG linggong naging laman ng mga kolum sa iba’t ibang pahayagan ang pagiging garapal nang isang kolektor na nagpapakilalang ahente siya ng Customs Intelligence and Investigation Service at nanghihingi ng “patong” mula sa mga importer at broker sa Aduana.

Ang nakaaasar, kinakaladkad nitong nagpapakilalang kolektor na si Jimmy GUyaBANo ang pangalan ng isang kaibigang dating miyembro ng media.

Totoong kolektor ng isang opis-yal ng Palasyo itong si Jimmy subalit hindi ng pangalang kanyang sinisira.

Ginagamit nitong kunehong kolektor ang pangalan ng kababayang Assec. Zaldy de Loyola sa kanyang pangngongotong sa Aduana.

Napakatahimik po ng taong ito at hindi marunong magsipsip lalo na kay Pangulong Benigno Aquino III.

Sa totoo lang, itong si Zaldy ang pinakamalapit na reporter kay PNoy noong nasa House of Representatives pa lang ito.

Subalit hindi ito pumasok sa kanyang ulo.

Naging mapagpakumbaba pa rin itong kasamahan sa pamamahayag.

Tuloy-tuloy ang lingguhang pangongolekta nitong si Jimmy sa mga player sa Aduana na lumalaki lalo kapag ginagamit niya ang pangalan ni Assec.

Pero ang totoo, itong si Jimmy ay bata ng isa ring mataas na opisyal ng Palasyo na ilang beses na rin namang pumutok ang pangalan sa iba’t ibang kontrobersiya na dahilan kung kaya’t binatikos si Aquino.

Nagkataon lamang na malakas talaga ito sa pamahalaan ni PNoy kung kaya’t hindi pa ito tinatanggal at, ang masakit, mula sa pagiging adviser ay naging assistant secretary ito.

Kahit minsan, hindi nabalitaang nanghingi ng lagay o patong itong si Assec. De Loyola kahit noong mamamahayag pa lang siya at lalo na ngayong may iniingatan siyang pangalan.

Siguro naman, Zaldy, dapat ay gamitin mo na ang pagiging close mo kay PNoy dahil gasgas na gasgas na ang pangalan mo dahil sa kawalanghiyaan nitong si Guyabano sa Bureau of Customs.

Walang bukambibig itong kolektor na ito kapag nangongotong sa mga importer at broker kundi ang pangalan mo.

Hindi naman kami naniniwala na magagawa mong sumakay sa kalokohan ni Jimmy na nanghihingi ng P10,000 bawat container pero mas maiging linisin mo na agad ang pangalan mo na sinisira ng sira-ulong ito.

Kaibigan, kilos na bago tuluyang sirain ng kalawang ang iyong iniingatang pangalan.

Maraming salamat sa mabilis na pagbibigay ng tulong nina Insp. Joselito Von Possel, hepe ng Plaza Miranda Precinct, at mga tauhang sina PO3 Francisco Salazar at PO2 Regie Obiña.

Nawa’y pamarisan kayo ng inyong mga kasamahan sa ser-bisyo na walang pinipili sa pagtulong at pagtupad ng tungkulin.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 0921517-5814 o mag-email sa Santi_lean-11@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply