Ate Guy laging may bara sa lalamunan

DUMATING sa bansa nung isang araw si Nora Aunor. Dapat 4:30 siya lalabas ng arriving area pero dahil sa na-delay daw ang paglapag ng eroplano at nagpahinga pa sa loob kaya lampas alas-sais na ito nakalabas.

As usual, kahit saan late parati si Ate Guy. Hehehe!

Nagtataka naman ang press people na sumalubong sa Superstar kung bakit sa tuwing uuwi ito nang Pinas ay laging may bara sa lalamunan. Hirap siyang magsalita. At ang laging rason, pagod sa byahe. Ang ini-expect sana nang media ay makausap siya nang maayos pero hindi raw siya makapagsasalita nang mabuti dahil sa lalamunan niya.

Lumalabas na OPM (Oh, promise me) lang pala ang sinasabi niyang pagpapaopera sa kanyang lalamunan.

Mas maganda sana kung maayos na ang lalamunan nya dahil matagal nang sabik ang kanyang mga tagahanga na muling makita’t  marinig siyang kumakanta. Kung mahal talaga niya ang kanyang mga tagahanga dapat ayusin niya ang kanyang sarili para naman matuwa ang mga ito.

Anyway, mabuti naman at naisipan niyang umuwi. At ang magandang balita para sa mga Noranians, makikipag-usap na raw ito nang maayos sa TV5 para sa mga gagawin nitong proyekto at agad-agad ay magge-guest daw sa Untold Stories ang lola nyo.

Harinawa’y magtuloy-tuloy na ang magandang kondisyon ni Ate Nors sa pagtatrabaho.

***

Hindi lang si Ate Guy ang pang-international ang beauty…
ATE VI MAPANONOOD DIN SA IBA’T IBANG BANSA!

Dahil sa milyon-milyong tinabo sa takilya ng pinakamalaking suspense-horror movie event ng taon na pinagbibidahan ng Star for All Seasons na si Vilma Santos na “The Healing,”  na sa loob lamang nang pitong araw ay kumita na ito nang P80 milyon  sa kabila ng malakas na bagyo at restricted rating nito mula sa MTRCB, bukod sa 145 na sinehan sa buong Pilipinas, mapanonood na rin ang pinakabagong thriller masterpiece ni Direk Chito Roño sa mga piling sinehan sa iba’t ibang bahagi ng mundo kabilang ang North America, Guam, Canada at Papua New Guinea.

Sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema, ang “The Healing” ay ginawaran kamakailan ng pinakamataas na marka na Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB). Ito rin ang panimulang selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ni Ate Vi sa showbiz.

Kasama rin sa cast ng nasabing pelikula sina Kim Chiu, Janice de Belen, Mark Gil, Martin del Rosario, Jhong Hilario, Allan Paule, Cris Villanueva, Daria Ramirez, Ces Quesada, Ynez Veneracion, Simon Ibarra, Abi Bautista, Joel Torre, Chinggoy Alonso, Mon Confiado, Carmi Martin at Pokwang.

Ano’ng sey dyan ng mga maka-Nora?

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply