Ateneo kakalusin ang UP

KAHIT mag-isa sa top spot ang defending champion Ateneo Blue Eagles ay hindi pa rin sila nakasisiguro sa final four kaya naman kailangan nilang dagdagan ang kanilang panalo upang mapalakas ang tsansa nilang makuha ang ikalimang titulo.

Nakatakdang sumagupa ang Ateneo sa nangungulelat na UP Fighting Maroons bukas ng alas-kuwatro ng hapon sa 75th season ng UAAP seniors basketball tournament sa MOA arena.

Kapit ng Blue Eagles ang 6-1 win-loss slate habang 1-6 naman ang karta ng Fighting Maroons.

Magkasalo naman sa second spot ang last year’s runner-up Far Eastern University Tamarawas at UST Growling Tigers na may 6-2 baraha.

Sa unang laro, asam ng De La Salle na humalo sa fourth spot kung saan ay tinatambayan ito ng host National U Bulldogs.

Nais panain ng Green Archers ang panglimang panalo sa walong laro kontra UE Red Warriors upang makasama sa top four.

Samantala, umangat ang Tams sa team standings ng suwagin nito ang Tigers, 87-60 kahapon habang nakopo ng Bulldogs ang No. 4 matapos sakmalin ang Adamson U Falcons, 81-77.

Si sophomore Roger Pogo ang nanuwag ng maraming puntos sa Tams matapos kumana ng double-double (13pts. 11 rebounds) performance.

Umarangkada naman ng 31 points si reigning MVP Bobby Ray Parks Jr. Para sa Bulldogs.

Sakmal ng Bulldogs ang 5-3 baraha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply