Ayaw na raw sa Remate dahilan ng iligal sa Baguio

ISYUNG langit at panig ng simbahan ang laman ng text message na natanggap ko kahapon mula sa ayaw magpakilalang sender.

Ayaw na raw niyang magbasa ng Remate dahil sa isinulat ko noong Linggo tungkol sa pagiging “diktador” ng simbahan sa pag-organisa ng “oracio imperata” kontra sa RH bill.

Ip-ay-nuw, ang sender na ‘yun ang unang-unang reader ng Remate, hehehe.

At ang napakaraming tao na sumusuporta sa RH bill.

Para malaman kung ano ang sagot ko. Hak, hak, hak!

Hindi raw diktador. Ang “obligahin” imbes na “pakiusapan” ang mga tao na magdasal kontra sa RH bill ay hindi ba isang uri nang pagdidikta?

Kesyo, hindi raw para sa simbahan kundi para sa mga tao mismo ang ipinaglalaban nila.

Oooy, tseeekahh!

Para naman pala sa kapakanan ng taumbayan ang RH bill issue eh, bakit hindi na lang hayaan ang mga tao na mag-desisyon para rito at tumutok  na lang si Padre Damaso sa himas kay Sisa para maka-prodyus ng maraming Crispin at Basilio? Bwar, har, har!

Kesyo, ginagabayan lang ng simbahan ang mga tao ukol sa RH bill. Weeeeeeehhhhh!

Bakit hindi na lang hayaan ang Kongreso, dahil sa RH bill mismo ay nakalagay na gagawa ng “guide” upang maunawaan ng bawat pamilya ang lahat ng uri ng pagpaplano sa panganganak, at hahayaan ang tao na sila ang pumili.

In-short, may kalayaan!

At ano naman ang kontra sa “kalayaan,” ‘di ba diktador?

Dapat ang ginawa nina Padre Damaso, Fray Botod at ng mga Prayle ay hindi obligatory prayer kundi requested prayer para hindi sila halatang mga diktador. Pwe!

-o0o-

KAYA pala aprub kay Baguio City Mayor Mauricio Domogan ang peryahan nina Marissa at Arthur dahil magkatuwang pala sila para sa kaligayahan ni meyor.

Sa ganda ni Marissa na dating kabit ng PNP official at sa pera ni Arthur ay sulit nga naman ang pangungunsinti ni Mayor Domogan!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking prog-ramang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 6-7am). Para sa inyong reaction: 09098992775.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply