Ayaw paawat ni assec

SA kabila ng mga kritisismo,  ayaw daw paawat ang Palace official na mainit na pinag-uusapan sa kanyang lantarang pambabaluktot sa ‘tuwid na daan’ na tema ng pamamahala ni Pangulong Noynoy Aquino.

Imbes daw kasi na tumigil sa kanyang raket sa Bureau of Customs, aba’y lalo pang pinag-ibayo ng nasabing opisyal na may ranggong Asistant Secretary (AsSec) ang pangongotong sa ahensyang pinamumunuan ni Comm. Ruffy Biazon.

Kotong  diyan,  kotong doon umano ang gingawa ni ‘sir’ sa mga illegal importer at broker gamit ang isang nagngangalang ‘Jimmy’, at nagpapakilalang agent ng Customs Intelligence and  Investigation Service.

Ang ating subject ay dating kilalang diretso sa pinanggalingang larangan pero noong nasama sa ‘Aquino family’ ay baluktot na rin ang lakad.

Noong araw, kasa-kasama pa siya sa pakikibaka at talagang nakikipaglaban kapag karapatan na ng mga manggagawa ang natatapakan.

Ngunit sadya nga yatang kapag ang tao ay nabibigyan ng kaunting kapangyarihan, mabilis na nagbabago ang kanyang asal.

Ang ulat, si “Assec” ay may nakawawalang aso sa BOC na kilala sa alyas “Jimmy”.

Ang pakilala sa BOC ni Jimmy ay isa siyang ahente ng CIIS. Pero ang lagi niyang bukambibig ay bata siya ni “Assec”.

Ipinangongolekta raw ni Jimmy  si “Assec” para naman daw may maipamahagi siya sa mga pasaway sa Malacañan.

Ang kapal naman ng kupal ng dalawang ng ito, ginagamit pa ang Malacañan para lang sa kanilang katarantaduhan!

Umiiyak ang mga importer/broker sa Aduana dahil grabe kung humingi ng tara itong si Jimmy. Tumataginting na P10,000 kada container ang kinokotong ni Jimmy.

Pangulong Aquino, nasasayang lang ang kampanya mo laban sa korapsyon. Nakikita mo ang baho sa bakuran ng ibang ahensya pero isa Palasyo mo o sa tabi-tabi mo lang pala ang mga “salot” sa tuwid na daan mo.

Dapat siguro na inyong ipadampot ang mag-among Assec at Jimmy na ito!

Mahal na PNoy, alam namin na masarap “mag-noynoying” ngayong tag-ulan pero ‘wag mo naman sanang tulugan ang baluktot na lakad ng mga pinagkakatiwalaan mong tauhan d’yan sa Malacanang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply