Babaeng kagawad, sinipa ng nairitang kapitan

LA UNION – Nahaharap sa kasong serious physical injury ang isang barangay chairman matapos sipain at saktan ang isa sa kanyang babaeng kagawad sa Barangay Tanqui, San Fernando,  nasabing lalawigan.

Ang barangay chairman ay kinilalang si Godofredo Flores,  sumipa sa kanyang barangay councilor na si Marilyn Torco sa mismong tanggapan ng barangay health office.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nairita ang barangay chairman sa pagsuporta ng babaeng councilor sa pagtulong upang magbigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo sa isang kagawad ng nakilala lamang sa Kagawad Arellano.

Sa puntong ito ay nagkasagutan ang suspek at ang kanyang kagawad at doon sinipa ni Flores si Torco sa tiyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply