Babaeng nagpatiwakal sa LRT kinilala na

POSITIBONG kinilala ng kapatid na lalaki ang babaeng nagpatiwakal sa EDSA station ng Light Rail Transit (LRT) line 1 kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang namatay na biktima na si Lucy Aroma, 52-anyos na positibong kinilala ng kapatid dahil sa suot na kulay asul na jogging pants at light blue na pang-itaas.

Ayon sa kapatid na si Jose Aroma, walang trabaho at walang asawa ang kanyang kapatid, at nakararanas din ito ng depresyon na posibleng naging dahilan nito upang wakasan ang buhay.

Matatandaang ala-5:55 ng madaling araw kahapon nang tumalon at sinalubong ni Aroma ang paparating na tren kaya nasagasaan ang ulo nito na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply