Baby boy ang gusto ni Shalani!

HINDI maintindihan ni Valenzuela Concilor Shalani Soledad kung bakit napababalita lately na buntis na raw siya. Ito nga ang kaagad niyang nilinaw nang makakwentuhan namin kamakailan pagkatapos umere ng Saturday noon time game show ng TV5 na Game N Go kung saan isa siya sa mga hosts.

“Hindi pa po ako buntis!” aniya. “Mataba lang po talaga ako ngayon. Huwag po kayong mag-alala, kapag totoong-totoo nang ako po ay buntis na, ipapaalam ko naman po.

“’Yong thought na magiging Mommy ka… di ba? Oo, naka-e-excite of course.”

Ano ang reaksiyon ng asawa niyang si Congressman Roman Romulo sa false alarm na balitang buntis na siya?

“Sana raw totoo! Pero hindi pa nga.”

Ano ba ang wish nilang maging unang anak?

“Of course kung ano ‘yong i-bless tayo. Pero sana ‘yong panganay… ako gusto ko, baby boy.”

Ilang anak naman ang plano nila?

“Parang mahirap yata ‘yan! Ha—ha-ha! Hindi pa namin napag-uusapan. Pero sana, merong babay boy. Tapos baby girl. Tapos kung ilan pa.”

So… walang limit kung ilang anak?

“Mahirap naman kung walang limit! Ha-ha-ha! Kasi magastos. Oo, magastos!”

Dahil hindi pa pala siya buntis, matutuloy ‘yong napababalitang pagkakaroon niya soon ng bonggang productions numbers sa Game N Go? “Ay… hindi ko po alam kung ano ‘yong schedule o kung ano ‘yong ipapagawa sa atin ng Game N Go for the coming weeks.

Pero ano… pagtotoonan naman ‘yon ng pansin.

“Masaya sa show kasi you get to work with… sina Joey de Leon, Edu manzano, tapos there’s also Gelli (de Belen) and si Arnel (Ignacio) na… very lively sila. Di ba?”

Ang Game N Go lang ba ang show na kaya niyang i-accommodate o open pa rin siya to have another show sa Kapatid Network? “So far, ito po ang ibinigay sa atin ng TV5. So, kung ano po ‘yong ibinibigay nila sa atin, do’n po tayo naka-focus.

“Tungkol sa pagkakaroon ng another show pa, basta kaya po. Basta po kung ano ‘yong ibigay nila.”

Gugustuhin din kaya niyang i-try ang paglabas sa isang soap opera? “A… baka malugi po ‘yong network!” natawang biro niya.

So… sa hosting lang talaga siya?

“Let’s see kung ano ang ibigay ng TV 5.”

Malapit na naman ang eleksiyon, ano ang kanyang plano?

“This is my third term as city councilor ng Valenzuela. Last term ko na. So kung tatakbo po ako sa 2013 elec- tion, higher position po. Baka po sa Congress para sa district 2 ng Valenzuela.”

*******

Panawagan sa aming mga kaklase at schoolmates sa Our Lady Of Caysasay Academy (OLCA) elementary batch ’78 at high school batch ’82, there will be a grand reunion this Saturday, August 4 to be held at Casa Cecilia and MGM Farms in Taal, Batangas.

The affair will start at 12:00 noon until evening. Para sa karagdagang detalye, i-text lang o tawagan sina At- ty. Glenda Villano Tenorio at 0927-626-84-27 o si Dra. Livia Villarez at 0915-440-12-98.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply