Baby nabaril ng 7-anyos na kapatid, patay

KALABOSO ang isang ama nang aksidenteng makalabit ng pitong taong gulang na anak nito ang isang sumpak at tumama sa namatay na limang buwang sanggol na kapatid sa Davao City kahapon (Agosto 14).

Nabatid na iniwan ni Anthony Rabanes Sr., residente ng Comunal, Buhangin, Davao City ang anak nitong limang buwang sanggol kasama ang isa pang anak na 7-anyos sa loob ng silid ng kanilang bahay upang maglaba ng mga damit.

Bumili naman umano ng bigas sa tindahan ang ina ng mga bata.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, kinuha umano ng kapatid na babae mula sa drawer ang isang sumpak at iniumang sa noo ng sanggol at saka kinalabit na kaagad na ikinasawi ng biktima.

Kasalukuyang nakakulong ang ama sa Buhangin Police Station ngunit hindi nito inamin na siya ang may-ari ng sumpak na may bala ng .38 caliber revolver.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply