Bacoor, Cavite, nakaalerto kay ‘Helen’

NAKAALERTO na ang pamahalaang lungsod ng Bacoor, Cavite sa posibleng pananalasa ng bagyong Helen.

Ayon kay Bacoor City Mayor Strike Revilla, inalerto na nila ang lahat ng kanilang mga barangay official maging ang mga residente sa mga lugar na madaling tumaas ang tubig-baha.

Samantala, namahagi ng mahigit 2,000 relief goods ang alkalde sa mga flood victims na nakatikim nang matinding hagupit ng Habagat.

Nang manalasa ang Habagat bunsod ng bagyong Haikui lubog sa baha ang ilang lugar sa Bacoor, Cavite dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Umabot hanggang dibdib ang tubig baha sa Barangay Ligas at F & E De Castro. Dahil dito kinailangan nang gumamit ng rubber boats ang mga rescuer para mailikas ang mga residente.

Ayon sa ilang opisyal ng Barangay Ligas, hindi nila inaasahan ang ganitong pangyayari sa kanilang lugar.

Nalubog din sa baha ang ilang bahagi ng Cavite City, Ternate at Rosario.

Bunga nito umabot na sa mahigit 100 pamilya ang inilikas sa Bacoor, Cavite at patuloy pa itong nadaragdagan.

Ayon kay Mayor Revilla, kailangan paghandaan ang hagupit ni “Helen” upang masagip ang mga residente na muling maaapektuhan ng mataas na tubig baha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply