Bagets na NPA napatay ng militar

IKINALUNGKOT ng Philippine Army ang ulat na isa sa dalawang kasapi ng New Peoples Army na kanilang napatay nang salakayin nito ang isang military detachment sa Paquibatao district  ay menor de edad.

Ayon kay Army Maj. Jacob Thaddeus Obligado, commander, ng 10th Civil Military Operations battalion, resulta ito ng tahasang paglabag ng CPP-NDF-NPA sa Geneva Convention, International Human Rights law at maging sa RA 7610 – Special Protection Against Child Abuse, (article 10 section 22b – children in situations of armed conflict.)

Ayon kay Obligado, napatay sa pagsalakay ng NPA sa Mangani Detachment, Tapak, Paquibato District  nitong nakalipas na linggo si Sammer Dayag, 17, ng Barangay Lampianao, Calinan, Davao City.

Nabatid na si Dayag ay ni-recruit ng NPA noong 2009, kung saan ay  trese anyos pa lamang ito.

Wala umanong kasalanan ang military sa nangyari dahil hindi naman mahahanapan ng birth certificate ang mga rebeldeng sumasalakay at nagpapaputok sa direksyon ng mga tauhan ng pamahalaan.

Hinikayat ni Obligado na maging maingat sa kanilang mga anak ang mga magulang at huwag hayaang malinlang sila ng –CPP-NPA at pagsamantalahan ang murang kaisapan upang labanan ng gobyerno.

Magugunitang tinutuligsa ang NPA sa paggamit ng mga menor de edad bilang mga combatant o mga kasapi ng pasa bilis o taga dala ng mga baril bala o mensahe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply