Bagong bagyo, ‘Igme’ posibleng magsanib

MAY posibilidad na magsanib ang puwersa ng bagong tropical storm sa silangan ng bansa at bagyong Igme na nanalasa ngayon sa hilagang bahagi ng Pilipinas.

Base sa pahayag ni Pagasa forecaster Bernie de Leon, kung hindi magbabago ang direksyon ng nasabing tropical storm na may international name na Bolaven, posibleng papasok ang bagong bagyo sa Philippine territory sa mga susunod na araw.

Kinumpirma rin nitong may posibilidad ding magsanib ang dalawang weather disturbance habang patungong Taiwan area.

Ngayong tanghali, huling namataan si “Igme” sa layong 310 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes.

Bahagya pang lumakas ang bagyo sa taglay nitong maximum sustained winds na 165 kilometers per hour (kph) at may pagbugsong umaabot ng 200 kph.
Mabagal ang usad ng bagyo sa 11 kph patungong hilaga.

Signal No. 1 sa 4 na lalawigan

Apat na lugar na sa Luzon ang isinailalim sa storm signal number one dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong Igme habang mabagal na lumalayo sa Pilipinas.

Ayon sa Pagasa, nakataas ang signal number one sa Cagayan, Calayan Group of Islands, Babuyan Group of Islands at Batanes Group of Islands.

Pag-iibayuhin pa rin ng bagyo ang hanging Habagat na magdadala ng ulan sa ilag bahagi ng Luzon.

“Fishing boats and other small seacrafts are advised not to venture out into the Eastern Seaboards of Central and Southern Luzon due to big waves caused by Typhoon “IGME” and the Southwest Monsoon,” ayon sa Pagasa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply