Bagong bus transit system lalarga sa 2015

NAKATAKDANG maging operational na sa taong 2015 ang bagong bus transit system na ipatutupad ng Department of Transportation and Communications (DOTC).

Sa pamamagitan ng Bus Rapid Transport System (BRTS) ang bagong transit system ay ipatutupad sa Cebu City.

Ibinatay ang bus transit system sa ginagamit na sistema sa Bogota, Columbia; Curitiba, Brazil; Seoul, South Korea at Guangzhou sa China.

Mayroong 176 bus sa bagong Cebu BRT System na tatakbo sa isang exclusive bus ways mula Bulacan patungong Talamban na may link sa South Road Property.

Bubuuin ito ng 33 istasyon na darating ang mga bus kada dalawa hanggang limang minuto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply