Bagong disenyo ng pera para sa mga bulag, ilalabas ng BSP

PARA sa kapakanan ng may kapansanan sa paningin nakatakdang maglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng mga salapi na para lamang sa mga bulag.

Ayon sa BSP officials, ang naturang proyekto ay bahagi ng kanilang mga standby projects na naglalayong ma-detect o makapa ng mga may kapansanan sa paningin ang ibinibigay at hawak nilang pera.

Layon nito na makatulong sa mga bulag para hindi mabiktima ang mga ito ng panloloko sa pekeng pera.

Sinabi naman ni BSP Gov. Amando Tetangco na matagal na nila itong plano kaya gusto nilang maisakatuparan ito sa lalong madaling panahon.

Nilinaw naman ni Tetangco na mananatili pa rin ang lumang disenyo ng pera dahil ilang features lang naman ang kanilang idadagdag dito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply