Bagong estratehiya vs krimen, ikinasa ng DILG, NCRPO

SIMULA ngayong araw, magpapatupad ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang National Capital Regional Police Office (NCRPO), ng iba’t ibang mas mabisa o “drastic” anti-crime strategies para mabawasan kundi man ay maiiwas sa pagkakasa ng krimen sa Metro Manila.

Sinabi ni DILG Secretary Jesse M. Robredo at ni NCRPO chief Director Allan Purisima, na iniatang na nila sa lahat ng 5 MM PNP District Directors, ang local chiefs of police, ang kanilang sub-station at police community precinct (PCPs) commanders, para ikasa ang bago at mas pinalakas na anti-crime campaign sa rehiyon.

Sinabi ng DILG chief na sa pakikipag-koordinasyon sa lahat ng barangay officials sa crime-prone areas, ang PNP NCRPO ang siyang mangunguna sa pagkakasa ng community-based crime prevention activities na kabilang ang inceased police visibility, deployment ng motorcycle cops, walking the beat, checkpoints/chokepoints, pagpapakalat ng secret marshals, at night watch operations.

Matapos aniya ang one-month intensified anti-crime campaign sa NCR, tatawag siyang muli ng isa pang command conference para sa lahat ng concern PNP officers sa rehiyon sa Setyembre, at ia-asses ang problema, ang lakas at ang kahinaan, ng mga NCRPO officers mula sa District Directors pababa sa PCP commanders.

Aminado naman si Robredo na ang NCR, ang may pinakamalaking bilang ng krimen dahil na rin sa lumalaking populasyon na karamihan ng malalaking organized-crime groups ay nakabase o nag-ooperasyon, na nasasangkot din sa iba’t ibang heinous crimes na palaging nakatatawag sa atensyon ng media.

Sinabi rin ni Robredo na paghahandaan na nila ang “Ber” months, at handa sila na magkasa ng anti-crime drive at strategies sapagkat ang mga buwan na ito ay panahon na tumataas ang krimen sa rehiyon.

Pinalakas na rin ng PNP NCRPO ang kampanya laban sa riding in tandem suspects sa pamamagitan ng paglalagay ng checkpoints at chokepoints sa mga kritikal na lugar sa Metro Manila na tiyak na mababawasan ang insidente ng cellphone snatching

Ikinasa ito dahil rin sa kagustuhan ni Pangulong Benigno Aquino na magkaroon ng katahimikan nang walang katatakutan na maging biktima ng krimen habang ang mga mamamayan ay nasa kanilang bahay, kalsada, eskuwelahan at sa lugar ng trabaho.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply