Bagong laya, todas sa pamamaril

NASAWI ang isang lalaki na kalalaya pa lamang sa kulungan makaraang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek habang natutulog sa harap ng establisyemento sa Kamias, Quezon City kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Paquito Wasito jr., 27 years old, na nasawi noon din dahil sa tinamong tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo, miyembro ng Bahala na Gang.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District, naganap ang insidente dakong alas 1:00 ng madaling araw kanina habang natutulog sa isang establisyemento ang biktima sa Bgy. West Kamias, QC.

Sinabi ng ama ng biktima na kasalukuyan natutulog ang kanyang anak nang lapitan ng isang hindi nakikilalang suspek na may takip sa mukha at binaril ang biktima.

Tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply