Bagong listahan ng mga partylist ilalabas na

NAKATAKDANG ilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang mga bagong listahan ng accredited partylist na maaring tumakbo sa 2013 mid-term elections, sa susunod na linggo.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., ilalabas ang resulta ng pagsasala sa may 172 bagong aplikante ng partylist sa susunod na linggo.

Nabatid na maliban sa nasabaing bilang ng bagong partylist ay mayroon pang 112 na accredited patylist na nakalahok na noon pang nagdaang 2010 elections.

Gayunman, ang 112 existing partylist ay sasailalim pa rin sa pagsasala para sa opisyal na listahan, na ang screening ay magsisimula ngayong araw.

Ayon sa opisyal, kada araw ay may 16 partylist ang kanilang sasalain at hahanapin ang mga kwalipikasyon base sa isinaad sa ilalim ng bagong resolusyon.

Paliwanag nama ni Brillantes, na kaya nila bibigyan ng panibagong screening ang mga existing partylist ay dahil baka may makita silang hindi sumusunod sa mga batas.

Ayon sa Comelec chair, ang reportorial requirements, regular meetings, accomplishment reports at iba pa ay kabilang sa kuwalipikasyon.

Sinabi pa ni Brillantes, na kailangan nilang tiyakin kung talagang kabilang ang kandidato ng partylist sa sektor na kilang kinakatawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply