Bagong LPA lumalakas

LUMAKAS pa at lalong naging aktibo ang namataang low pressure area (LPA) sa hilagang Luzon at malaki ang posibilidad na maging ganap na bagyo ito sa loob ng 24 oras.

Sa huling ulat ng Pagasa kaninang madaling araw, natukoy ang sentro ng LPA sa layong 390 kilometro sa silangan timog silangan ng Basco, Batanes.

Bunsod nito, inaasahan na makararanas ng mga pag-ulan ang Northern at Central Luzon dahil sa epekto ng hanging Habagat na pinag-iibayo ng LPA.

Babala ng Pagasa, maaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa ang mga pag-ulan lalo’t halos basa pa ang kalupaan bunsod ng mga pag-ulan na dulot ng nagdaang bagyong Helen.

“Moderate to strong winds blowing from the southwest to west will prevail over Northern Luzon and its coastal waters will be moderate to rough. Elsewhere, winds will be light to moderate coming from the southwest to west with slight to moderate seas,” ayon sa Pagasa.

Kaugnay nito, namataan  din ng isa pang  namumuong sama ng panahon  sa timog kanluran ng Guam na nakapaloob sa intertropical convergence zone.

Dahil dito, posibleng mabuo ang naturang sama ng panahon  bilang bagyo  sa susunod na linggo maaaring tumama sa  Northern Luzon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply