Bagong modus ng human trafficking, ibinuking

ANG pagpapakasal sa mga Koreano ay isa sa ibinuking ng Bureau of Immigration (BI) na bagong modus operandi ng mga sindikato ng human trafficking.

Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David Jr.,  dalawang babae ang naaresto ng ahensya na  patungo sa Korea upang magtrabaho.

Modus ang pagpanggap na kasal sa mga Koreano para lamang makalabas ng bansa ang mga Filipina.

Nabatid na ang dalawang babae ay pinakasalan ng dalawang Koreano, isang araw bago sila lumipad patungong Korea.

Sinabi ni Commissioner David na ang kasal ng hindi tinukoy na Koreano at isang Pinay ay ginawa sa isang bahay sa Parañaque, subalit nakalagay sa marriage certificate na ginawa ang kasalan sa isang Protestant church sa Quezon City.

Habang ang kasal naman ng ikalawang Pinay ay isinagawa ng hindi pinangalanang hukom sa Max Restaurant sa SM Manila ngunit nakasulat sa marriage certificate na isinagawa ng isang pastor ang kanilang pag-iisang dibdib.

Naharang ang dalawa sa pamamagitan ng  travel control and enforcement unit sa NAIA 3 terminal kung saan kanilang iprinisenta ang mga pekeng marriage certificate, balidong fiancée visa  naman mula sa South Korean embassy  at stickers ng Commission on Filipino Overseas na  kalaunan ay umamin din na kinuha  sila bilang factory workers sa nasabing bansa.

Inamin din ng dalawang Pinay na ipinakilala lamang sila sa mga sinasabing fiancée  sa pamamagitan ng internet.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply