Bagyong Gener nasa Taiwan-Ryukyu na

PATULOY na kumikilos pa-Hilaga at ngayo’y nasa Silangan na ng Taiwan-Ryukyu ang bagyong si Gener.

Ito, ayon sa pinakahuling ulat ng ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Taglay pa rin ng bagyong Gener ang lakas ng hangin na 120 kph malapit sa gitna.

Ibinaba naman ang public storm signal no. 2 ang Batanes Group of Islands, Calayan at Babuyan Group of Islands at signal no. 1 naman sa natitirang bahagi ng Cagayan at Apayao.

Nagbabala naman ang PAGASA sa posibleng flashfloods at landslides sa mababang mga lugar at mga mountainous areas. Pinaalalahanan din ang mga residenteng naninirahan sa baybaying dagat dahil sa mga malalaking alon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply