Bagyong Igme, ‘di sagabal sa paghahanap kay Robredo

HINDI magiging hadlang ang Tropical Depression Igme sa ikinakasang search operations para sa nawawalang si Interior Secretary Jesse Robredo at dalawang kasama nito sa Masbate, ayon sa PAGASA.

Sinabi ni PAGASA forecaster Aldczar Aurelio na ang Tropical Depression Igme, na naging isang ganap na bagyo ay aapekto lamang sa Northern Luzon.

“Inaasahan natin ang weather (sa Masbate) bahagya hanggang maulap, may isolated na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat kadalasan sa hapon at gabi,” pahayag nito.

Idinagdag din nito na ang karagatan ay magiging banayad sa kabila ng presensya ng  bagyong Igme na malapit sa Northern Luzon.

Nauna rito, sinabi ni Aurelio na ang Tropical Depression Igme ay palalakasin din ang southwest monsoon, na maaring magdulot ng mga pag-ulan sa ilang parte ng Luzon.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin tumitigil ang search operations para kay Robredo at sa dalawa pang kasama nito matapos ang kanilang sinasakyang Cessna plane ay bumagsak sa karagatan ng Masbate nitong Sabado ng hapon.

Si Robredo, ang kanyang aide na si Senior Inspector Jhun Abrasado at ang pilotong si Capt. Jessup Bahinting at isang  Nepalese flight student na si Kshitiz Chand ang nakasakay sa nasabing eroplano.

Ang eroplano ay nagmula sa Cebu at  patungong Naga.

Habang isinusulat ang balitang ito sina Robredo, Bahinting at Chand ay nananatiling nawawala.

Sa kabila naman ng kanyang kapansanan, pinilit ni Abrasado na sumama sa search operations para kay Robredo nitong Sabado ng hapon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply