Bagyong Igme, lumabas na ng bansa

GAGANDA na ang lagay ng panahon kasunod na rin nang tuluyang paglabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ng bagyong Igme.

Ang bagyong Igme ay pinakahuling namataan sa layong 550 kilometro Hilaga Hilagang Silangan ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyong Igme ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 100 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 130 kilometro kada oras.

Samantala, kinansela kahapon ang may 742 flights ng American Airlines dahil sa bagyong Isaac na nananalasa sa Gulf Coast sa Amerika.

Ang bagyong Isaac ay inaasahang mag-landfall sa pagitan ng New Orleans at Florida Panhandle bilang category 2 hurricane.

Una rito, isinailalam sa state of emergency ang Louisiana, Alabama at Mississippi bilang paghahanda sa bagyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply