Bagyong Igme lumalakas – Pagasa

ITINAAS pa ang storm category ng bagyong Igme makaraang lumakas pa ito.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng sama ng panahon may 315 kilometro silangan timog silangan ng Aparri, Cagayan, taglay ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna.

May pagbugso naman itong 80 kilometro bawat oras, habang kumikilos ng pahilaga sa bilis lamang na siyam na kilometro bawat oras.

Nananatili namang nakataas ang babala ng bagyo bilang isa sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela.

Ang mga lugar na nabanggit ay pinag-iingat sa mga pag-ulan na maaaring magdulot ng pagtaas ng antas ng tubig.

Bukas ng hapon, ang sentro ng bagyong Igme ay inaasahang nasa 320 kilometro sa silangan timog silangan ng Aparri, Cagayan.

Sa Martes naman inaasahang nasa 400 kilometro na ito sa silangan hilagang silangan ng Aparri, Cagayan, habang sa Miyerkules ay posibleng makalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply