‘Igme’ nakakasa ang Fujiwara effect

MAY posibilidad na mahatak pabalik ng bansa ang bagyong Igme dahil sa “Fujiwara effect”.

Ito ang inanunsyo kaninang umaga (Agosto 23) ni Pagasa forecaster Ricky Fabrigas, kasunod ng ilang development na kanilang naitala kaugnay ng dalawang bagyo na nasa loob at labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ngayon pa lang aniya ay mas malakas na ang paparating na bagyong tatawaging Julian kaysa sa bagyong Igme na kasalukuyang nasa hilagang Luzon.

Ang Fujiwara effect ay isang Japanese term na ang ibig sabihin ay pagbalik ng kilos ng isang bagyo kapag ito ay naapektuhan ng isa pang weather system.

Kung mangyayari ang pagbabalik ng bagyong may international name na Tembin ay tatamaan nito ang hilaga o silangang bahagi ng Luzon.

Huling namataan ang sentro ng typhoon Igme sa layong 270 kilometro sa hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Napanatili naman ng bagyong Igme ang dala nitong hangin na umaabot ng 130 kilometro bawat oras at pagbugsong 160 kilometro kada oras.

Mabagal pa rin itong kumikilos sa direksyong pakanluran.

Dahil dito, nakataas pa rin ang signal number 1 sa Batanes Group of Islands.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply