Bagyong Igme sumayad na sa Taiwan pero bubuwelta pabalik ng Pinas

BAGAMAT sumayad na sa kalupaan ng bansang Taiwan si Bagyong Igme pero inaasahang babalik din ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) dahil sa interaksyon sa bagong pasok na Bagyong Julian.

Sa pinakahuling impormasyon mula Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA),ang bagyong si  Igme ayn huling namataan  sa layong 220 kilometers (km) hilaga hilagang-kanluran ng Basco, Batanes matapos itong tumama sa kalupaan ng Katimugang Taiwan.

Kumikilos si Igme pa-kanluran timog-kanluran sa bilis na 15 km bawat oras  (kph) taglay pa rin ang lakas ng hanging nasa 140 kph at pagbugsong aabot sa 170 kph.

Ayon kay PAGASA Weather Forecaster Connie Dadivas , sa loob aniya ng 24 hanggang 48  si Igme ay kikilos pa-counter-clockwise na looping motion at muling papasok sa PAR dahil maghahatakan sila ng Bagyong Julian.

Nakataas pa rin ang public storm signal number 2 sa Batanes, habang signal no.1 naman sa Calayan at Babuyan Group of Islands.

Makakaranas ng moderate to heavy rains o 10 milliliters (mm) hanggang 20 mm per hour (mm/hr) na pag-ulan sa mga lugar na apektado ng bagyo at paiigtingin din ni Igme ang Habagat na siya namang magdadala ng pag-ulan sa Katimugang Luzon, Visayas at Mindanao.

Samantala, huli namang namataan si Julian sa layong 1,050 km kanluran ng Basco, Batanes.

Ayon kay Dadivas, mahina ang galaw ng bagong bagyo pero inaasahang makakalabas din ito ng PAR sa Lunes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply