Bagyong Igme, super bagyo na

LALONG lumakas at naging ganap na super bagyo ang bagyong “Igme” habang patuloy na kumikilos pa Hilaga.

Ang sentro ng bagyong Igme ay pinakahuling namataan sa layong 380 kilometro Silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay ng bagyong Igme ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 160 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 195 kilometro kada oras.

Batay sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyong Igme ay kumikilos pa hilaga sa bilis na 11 kilometro bawat oras.

Bukas ng umaga, ang bagyong Igme ay inaasahang nasa 360 kilometro Silangan Hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Ang public storm signal number 1 ay nakataas sa Cagayan kabilang ang Calayan at Babuyan Group of Islands at Batanes Group of Islands.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply