Baha mula sa bundok

NAKATATAKOT na ang nagaganap ukol sa mga baha. Nakararami ang galing sa mga kabundukan.

Ang baha na dumaluhong sa Ilocos Sur at La Union ay galing sa kabundukan ng Cordillera.

Galing din sa kabundukan ang mga bumabaha sa maraming siyudad sa Metro Manila.

Dinadaluhong din ng baha ang mga lalawigan ng Pampanga, Bulacan, Bataan, Cagayan at marami pang iba.

Hindi kaila na galing din sa mga kabundukan ang mga baha na pinagmumulan ng mga malalagim na trahedya sa St. Bernard, Southern Leyte, Quezon at Cagayan de Oro at Iligan City.

‘Yung maraming baha ay may kasamang mga troso o pinutol na mga punongkahoy at kakambal ng mga putik.

Katakot-takot na kamatayan at kasiraan ang idinadating ng nasabing mga baha.

oOo

Malinaw, Suki, na sira ang ating mga kabundukan…kalbo at giba-giba ang mga ito.

Kinakalbo ang mga ito ng mga logger, ligal at iligal.
Kinakalbo at ginigiba ang mga ito ng mga nagmimina, nagku-quarry at nagpapalaganap ng mga subdibisyon at palaruan gaya ng golf.

Kaya naman, kung umulan, agad at mabilis na rumaragasa ang mga baha sa mga mababang lugar.

Nagugulat na lang ang mga mamamayan sa bilis ng pagdating ng mga baha sa kanilang mga lugar kaya naman wala ni anoman silang kahandaan sa dumarating na mga kamatayan at kasiraan.

oOo

Ngayon ay sinasabi ni PNoy na gagawa ang kanyang administrasyon ng mga permanenteng solusyon sa mga pagbaha.

Nakalista ba ang nabanggit nating mga problema sa mga gustong solusyunan ng gobyerno?

Ang logging, ang pagmimina, ang pagku-quarry, paggawa ng mga subdibisyon at palaruan sa mga kabundukan, kasama ba sa mga pinag-uusapan?

Warningshot: Kung hindi kasama, magiging walang silbi ang mga flood control project na isasagawa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply