Baha sa Lagusnilad, Recto underpass ipinahihigop na

IPINAHIHIGOP na ni Manila Mayor Alfredo Lim ang tubig-baha na naipon sa ilalim ng Lagusnilad at Recto underpass sa Maynila.

Ngayong araw ay personal na pinangasiwaan ng alkalde ang pagpapahigop sa tubig na tinatayang aabutin ng dalawang araw kung tuloy–tuloy na magiging maganda ang panahon.

Gayunman, sinabi ng alkalde na maaari nang daanan ng mga motorista ang maraming bahagi ng mga binahang kalsada sa Maynila.

Dahil sa maraming lugar sa lungsod ng Maynila ang binaha ay nagdeklara na rin ang alkalde ng state of calamity para mapayagan ang mga barangay chairman na magamit ang kanilang mga pondo para matulungan ang kanilang nasasakupan.

Sa paghupa ng tubig baha unti-unti na rin nagbabalikan ang mga nagsilikas na residente sa mga evacuation center sa kanilang tahanan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply