Bahang mamamayan ang may gawa

HALOS walang maraanan sa lahat ng bahagi ng Metro Manila dahil sa napakataas na bahang dulot ng halos wa-lang tigil na malakas na ulan.

Nagdeklara ang Malacañan na walang pasok sa lahat ng an-tas ng paaralan, pampubliko o pribado man, at maging sa mga trahaho sa gobyerno o pribado at maging sa mga BPO o call center na international ang kli-yente.

Nasa bahay man ay marami pa rin ang hindi nakasisiguro sa kanilang kaligtasan dahil ang mga bahay ay napaliligiran ng tubig.

Merong kailangang lumikas upang hindi malunod sa kanilang kinalalagyan at mayroon din na-mang lumilikas upang hindi gu-muho ang kanilang kinaroroonan.

Pawang ang mga na-stran-ded sa kanilang lugar ay kaila-ngan ang pagkain at tubig.

Mayroon sa kanilang may pera mang pambili ng kanilang pangangailangan ay hindi maga-wa dahil hindi naman makala-bas ng bahay dahil nga hang-gang dibdib na ang tubig baha.

Hindi pa naging aral sa atin ang pangyayari noong Septem-ber 2009 kung saan halos lahat ng bahagi ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan ay ha-los lubog din sa tubig baha dulot ng bagyong “Ondoy.”

Marami man ang nakaligtas, mayroon ding mga nagbuwis ng buhay.

Maraming ari-arian ang na-sira at nawala na dapat sana ay naging aral na sa mga mama-mayan.

Pero ngayon ay heto na na-man tayo, hindi pa rin natututo sa mga pinagdaanan at kara-nasan.

Ilang buhay ba ulit ang kaila-ngang ibuwis at gaano karami pa ulit na kabuhayan ang mawa-wala upang matuto tayo na ang bahang dinaranas natin ay tayo rin ang may gawa?

Nandiyan ang mga plastic, kahit balat lang ng kendi at mga katulad nito, na ating itinatapon sa mga daanan ng tubig tulad ng ilog, kanal at dagat na kapag nai-pon ay nagiging malaking bara na nagiging dahilan ng pag-apaw ng tubig na nagiging baha.

Nandiyan din ang mga bu-waya sa katihan na nagtatrabaho sa gobyerno na walang ginawa kung hindi dayain ang mga pro-yektong dapat sana ay isagawa ng tama upang hindi kaagad ma-sira subalit inuuna ang kapaka-nan ng kanilang kabuhayan at bulsa na ang nasasakripisyo ay ang kinabukasan ng bayan at mamamayan.

Nandiyan din ang mga opis-yal ng pamahalaan na walang ginawa kundi ang magpalapad ng papel at magpapogi sa mga nasasakupan niya gayung sa totoo lang ay wala namang gina-gawa sa loob ng kanyang aircon-ditioned office na nasa mataas na lugar kaya’t hindi naman naa-apektuhan bumaha man.

Minsan kakutsaba pa ang mga opisyal na ito sa pagpuputol ng mga punongkahoy na dapat sana ay pumipigil sa baha at pag-guho ng lupa.

Ano nga ba para sa kanila kung gumuho man ang mga bun-dok at malunod man ang mga mamamayan gayung ang pa-milya niya ay nakatira sa isang mamahaling subdivision sa labas ng kanilang lungsod o bayan?

Kailan kaya tayo matututo na ang dapat nating unahin ay ang kapakanan ng ating bayan lalo na sa mga kababayan bago ang sarili?

Hindi man sinasadya, o ba-ka karma na nga, apektado tayo ng anomang bagay na ating gina-gawa.

Ngayon pa lang ay magi-sing na tayo na ang mga basu-rang itinatapon sa kung saan-saan at pandaraya sa anomang proyekto na para naman sa kapakanan ng lahat ang ugat ng baha.

Baha na aminin man natin o hindi ay tao rin ang may gawa.

oOo

Happy, happy birthday to one of my jewels, Emma-nuelle John Bascuguin, who is celebrating today.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply