Bahay ng balikbayan, sinilaban ng adik

ABO na lang ang natira sa bahay ng isang balikbayan makaraang sunugin ng isang adik sa Ilocos Sur.

Kinilala ang may-ari ng bahay na si Marilyn Agbayani Belen, nakatira na sa Amerika habang ang suspek ay si Jecer Seatriz Belen, ng Barangay Rizal, Cabugao, Ilocos Sur.

Sa imbestigasyon, pinasok ni Jecer ang bahay ni Marilyn at saka pinagliyab.

Ang insidente ay pinatotohanan ng testigo na hiniraman pa ng  posporo ng suspek.

Makaraan ang panununog ay tumakas ang suspek.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply