Bahay ng kapitan sinalakay, mga baril kumpiskado

LAOAG CITY – Sinalakay ng Laoag Philippine National Police (PNP) ang bahay ng isang barangay chairman sa Sarrat, Ilocos Norte at nakunan ito ng ibat-ibang klase ng baril.

Ang suspect ay nakilalang si Cornelio Balintona, barangay chairman ng Brgy. Sta. Rosa, sa nasabing lalawigan.

Ayon sa local na police, bago naganap ang nasabing raid, ay nagsagawa muna sila ng intelligence operation upang kompermahin kung may tinatagong mga baril si Balintona.

Matapos ang koumpermasyon, agad na kumuha ng search warrant ang mga police at sinalakay ay bahay ng barangay chairman.

Ang mga nakuhang baril ni Balintona ay M-16 Armalite rifle, .45 pistol, .38 revolver, .9mm pistol at mga shotgun.

Sa panig ni Balintona, hindi lang naman siya ang may pag-aari ng mga nasabing baril kundi sa kanyang tatay at kapatid.

Sa isinagawang raid nakatanggap ng intelligence information na ang suspek ay nag papaputok ng baril sa tuwing ito ay lasing.

Nakatakdang magsampa ng kaso ang local na police laban sa barangay chairman.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply