Bahay ni Freddie Aguilar sa QC nilooban

AABOT sa $12,000 o nasa mahigit P500,000 ang nanakaw sa bahay ng folk singer na si Freddie Aguilar sa Quezon City, kahapon.

Sa ulat, huling binilang umano ni Aguilar ang kanyang pera sa safety vault noong isang linggo at nang bibilangin sana kahapon ay nawawala na ang kanyang pera.

Sa inisyal na ulat, walang nakitang bakas ang mga tauhan ng QCPD Station 5 na sinira ang vault ng mang-aawit.

Malaki ang hinala ng pulisya na alam ng magnanakaw ang number combination sa vault ng singer.

Dahil dito, anggulong inside job ang isa sa tinututukan ng awtoridad sa panloloob sa bahay ng mahusay na singer.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply