Bahay ni Janna Dominguez sinalakay ng pulisya

HANDANG makipagtulungan sa pulisya ang aktres na si Janna Dominguez makaraang salakayin ang isa sa kanyang paupahang bahay na ginawang pugad ng cyber money laundering syndicate, at iba pa sa mga subdivision sa Quezon City, Manila, Marikina, Cainta, at Antipolo.

Sa ulat ni CIDG chief, Police Director Samuel Pagdilao Jr. ang pag-aresto sa 357 foreign national, karamihan ay Taiwanese ay dahil na rin sa kanilang natatanggap na mga suplong hinggil sa ilegal na ginagawa ng mga inaresto.

Isa lamang ang Vermont Park Villlage sa subdibisyon na sinalakay ng awtoridad kung saan naroroon ang bahay ng aktres kaninang umaga.

Sinikap ng Remate.ph na kapanayamin si Janna dahil dalawa sa bahay na sinalakay ay kanyang pag-aari pero naging mailap ito sa media.

Pero sa nakalap na impormasyon ng Remate.ph, nabatid na pinaupahan ni Janna ang kanyang bahay sa isang Taiwanese national.

Sinabi nito sa pulisya na wala siyang nalalaman sa operasyon na cyber money laundering schemes ng suspek na apat na buwan ding nangupahan sa kanya.

Binanggit ni Dominguez na handa siyang makipagtulungan sa pulisya para makapagbigay ng kaukulang detalye at malinis ang kanyang pangalan.

Ayon sa mga residente sa lugar, napapansin nila na tahimik ang mga nangungupahan sa dalawang malaking bahay pero ipinagtataka nila dahil sa gabi ay sobrang maliwanag ang kalooban nito at tila may kaduda-dudang nagaganap.

Dahil dito, agad nila itong ipinagbigay sa kinauukulan hanggang sa magpositibo ang pulisya sa ginagawa ng mga suspek kaya sinalakay ang nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagpapanggap na mga awtoridad ng batas ang mga suspek at tinatawagan ang kanilang mga bibiktimahin na karamihan ay Chinese national para sa pag-transfer ng kanilang pera sa isa umanong “safety account.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply