Bakit natin ginagaya ang palpak ng iba?

ITO ay tungkol sa RH Bill sa Kongreso ayon sa isang kaibigan ni Mayor Del De Guzman na taga-Liwasang Kalayaan.

Bakit natin gagayahin ang mga bansa na nagsusulong na limitahan ang birth rate para umunlad?

Nasaan ba sila ngayon? Maaring naging maunlad sila dahil menos gastos ang kakaunti o walang anak. Pero di ba namomroblema sila ngayon dahil paunti na nang paunti ang mga nagtatrabaho sa kanila kung ikukumpara sa parami nang parami na mga retirado. Ano ibig sabihin nito?

Ibig sabihin, mas kaunti ang kumikita at nagbabayad ng buwis na pang tustos naman sa welfare na tinatanggap ng mga senior citizens. Sa Amerika, ang dating worker to retiree ratio na 27:1 nung nagsimula ang welfare system ay 3:1 na lang nung taon 2000. Ano pa kaya ngayong 2012?

Sa Japan, magiging mas marami na ang mga retirees ikumpara sa mga workers pagsapit ng 2018! Kumbaga, bawat taon palapit na nang palapit ang mga G7 countries sa pagiging bankrupt.

Bakit tayo makikinig sa mga ekonomiyang pa-bankrupt na? Bakit naman natin gagayahin ang sistemang napatunayan na palpak? Eh para tayong kumuha ng malaking bato at pinukpok sa ulo natin. Ano po?

Tingnan naman po natin ang Pilipinas na hindi sumunod sa ganuong formula?

Dahil walang trabaho sa atin, napilitang makipagsapalaran ang mga kababayan natin sa ibang bansa. Ang resulta, ang mga annual remittances ng ating OFWs ang nagsalba at nagpapalutang ng ating ekonomiya sa nakaraang 40 years. Ang bottomline, napakarami nating mga workers kumpara sa mga retirees – dahil lamang wala tayong family planning sa Pilipinas.

Tulad nang nasulat ko na sa kolum na ito dati pa … mas epektibo ang God’s plan kaysa sa man’s plan. Kaya’t dapat huwag na nating pahimasukan ang para sa Diyos. Ayan tuloy, nagkaleche-leche na tayo dahil sa pagmamarunong ng tao.

Ang RH Bill ay di lang economic prescription for long-term disaster … ito rin ay isang malaking banta sa ating kultura – ang ating family culture kung saan malapit tayo at mahalaga sa atin ang ating mga pamilya. Di ba’t nag-aagawan pa tayo kung sino mag-aalaga ang ating matatanda? Kung saan titira si nanay at tatay pag tanda nila?

Ngayon dumating itong RH Bill at sinasabing dapat isipin ng mga babae ang kanilang karapatan. Na dapat daw mabuti ang mas kaunting anak para sa mas saganang buhay at para sa kanyang kalusugan. Tignan ninyo ang ibang bansa kung saan ang mga tao – lalo na ang kababaihan – ay sa pansarili na ang priyoridad imbes na sa pamilya. Dun na rin tayo patungo.

Bakit ba natin kailangan ipalit ang palpak na kultura ng iba sa kultura nating napakaganda?

Huwag kayo magtataka kung darating ang panahon na pagpapasa-pasahan na tayo ng ating mga anak hanggang sa “home for the aged” o retirees home na ang ating bagsak!

Sige pa … gayahin nyo pa!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply