Balasahan sa BIR, tuloy

PATULOY ang major revamp sa Bureau of Internal Revenue ang ipinatutupad ni BIR Commissioner Kim Henares, alinsunod sa kautusan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sisibakin umano sa pwesto ang mga corrupt, misfits at undesirable revenue officials and men sa layuning makuha ang napakataas na P1.006 trillion tax collection goal mula buwan ng Enero hanggang Disyembre ng taong 2012.

Apektado, ayon sa source, sa nasabing balasahan sa BIR, ay ang mga deputy commissioner, asssistant commissioners, division  chiefs, regional directors at mga revenue district officers, partikular ang mga nabigong makuha ang kanilang target tax collection, mga may pending na graft cases sa Office of the Ombudsman, mga inirereklamo sa katiwalian at yaong mga diumano’y gumagamit ng kanilang mga ‘backers’ para manatili sa ‘juicy positions.’

Target din sa pagbalasa para mapatalsik sa puwesto, ayon pa sa source, ang mga nagpabata o nandaya ng kanilang edad para manatili sa puwesto, ang mga humawak ng mga tax case nguni’t walang isinumiteng final report ng kanilang tax collections, ang mga sinasabing ‘notorious’ na nakikipagsabuwatan sa taxpayers, lawyers at accountants para maliit lamang ang bayarang buwis na mas malaki pa ang napupunta sa bulsa at yaong nangha-harass sa mga taxpayer para umano’y ‘kotongan’ sa kabila na wala namang makitang butas para pagbayarin ng malaki.

Sinabi ng source na kilala na ng BIR chief kung sinu-sino ang mga tiwaling revenue official na masisibak dahil sa patuloy na pagkakasangkot sa katiwalian at malalaman na lamang sa pamamagitan ng pag-iisyu nito ng mga bagong travel assignment orders para sa reshuffle at major shake up sa ahensya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply