Balitang lalaya na si Rolito Go, inalmahan ng pamilya Maguan

UMALMA ang pamilya ni Eldon Maguan, ang napatay ni Rolito Go sa balitang nakatakda nang palayain si Go sa susunod na taon.

Sinabi ni Eliot Maguan, ang bunsong kapatid ni Eldon, na hindi  nila maunawaan kung ano ang batayan ng naturang disesyon para palayain si Go.

Sinabi rin ni Maguan na bagamat hindi nila maramdaman ang sinserong paghingi ng tawad ni Go, ang nais nalang nila ay dumaan ito sa tamang proseso, katulad ng pagtanggap nila noon na wala pang death penalty na pina-iiral sa bansa.

Nagdulot umano ng stress sa pamilya Maguan ang nangyaring pagkalabas sa NBP ng convicted killer na si  Go.

Ayon kay Eliot, kinailangan nilang isugod sa ospital ang 82-anyos na kanilang ina matapos malaman ang nangayri kay Go.

Tinawag din ng mga Maguan na isang zarzuela o produkto ng malikhaing pag-iisip ang pinapalabas ni Go na siya ay dinukot kasama ng pamangkin na si Clemence Yu sa loob ng NBP compound.

Hinimok ni Eliot ang Department of Justice (DoJ) na istriktong ipatupad ang sentensiya para kay Go.

Kung maaalala, hinatulan ng Pasig City Regional Trial Court si Go nang 40-taong pagkakakulong dahil sa pagpatay kay Eldon dahil sa awayan sa trapiko noong 1991.

Kagabi, nagsagawa ng biglaang pagbisita si Justice Secretary Leila de Lima sa NBP hospital maximum detention facility na nandoon din si Go.

Layon ng pagdalaw ni de Lima ay para kausapin at i-assess ang mga naging pahayag ni Go na sila ay dinukot at dinala sa Batangas.

Ayon sa kalihim, marami sa mga naging pagbubunyag ni Go ang kailangan nilang i-validate.

Nanindigan naman si Go na wala siyang balak na tumakas dahil isang taon na lamang umano ay makakalaya na ito.

Samantala, hindi naman isinasantabi ng DoJ ang anggulong inside job ang nangyaring umano’y pagdukot kay Go.

Ayon kay de Lima, may nauna ng dalawang report ng kidnapping sa loob ng national penitentiary.

Sinasabing ang naging biktima ng pagdukot ay mga asawa ng inmate na sina Roland Ho at isang alias Boy Buwaya na kapwa nahatulan sa drug related charges.

Ngunit ayon kay DOJ Undersecretary Francisco Baraan III, posibleng may lapses o pagkukulang ang mga prison executives kaya nangyari ang insidente kay Go.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply