Balo ni Robredo, tatakbong mayor ng Naga

HINIKAYAT ng Liberal Party (LP) ang balo ni Jesse Robredo na tumakbo bilang mayor ng Naga City upang maipagpatuloy ang legacy ng namayapang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon sa mataas na opisyal ng LP na tumangging magpabanggit ng pangalan, aalukin nila si Atty. Maria Leonor “Leni” Robredo na tumakbong mayor ng Naga City sa 2013 elections, kung saan ang namayapa nitong asawa ay nagsilbing mayor ng matagal na panahon bago naging kalihim.

Ipaparating ng LP officials ang alok na ito matapos ang libing ni Robredo sa susunod na linggo. Sa Oktubre 1 hanggang 5 na ang paghahain ng certificate of candidacy para sa mga tatakbo sa darating na halalan.

Maging si Senador Miriam Defensor Santiago, nanindigan na dapat suklian ng Aquino government ang kabutihan ni Secretary Robredo sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa kanyang mga naulila, o di kaya ay alukin na lamang si Atty. Leni na tumakbo sa darating na halalan.

“I think that in order to honor his memory, government should at least provide a pension for the wife and the children, because no one will support them anymore. Or maybe his wife, who is also a lawyer, will contemplate running for mayor herself since she was very intimate with her husband, as I observed , and they would have discussed many times political issues in Naga City,”ayon kay Santiago.

Nakilala ni Santiago ang namayapang kalihim matapos siyang imbitahan nito sa mag-dinner sa kanilang bahay sa Naga noong 1992, kung saan tumatakbong kandidato sa pagka-pangulo ang senadora.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply