Balsa tumaob, kelot patay

PATAY ang isang lalaki habang nakaligtas ang kasama nito nang tumaob ang sinasakyan nilang balsa sa San Fernando City, La Union.

Kinilala ang nasawi na si Patrick Ramillo, 18 anyos habang nakaligtas si Mark Eliezer Joven.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-10:15 kahapon ng umaga nang  maganap ang insidente sa Camp Diego, Barangay Cariatan, San Fernando, La Union.

Nabatid na sinalubong ng malaking alon ang balsa ng mga biktima kaya’t tumaob ito.

Nagawa naman ni Mark Eliezer na makalangoy hanggang umabot sa pampang.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply