Bandila para magkaisa at Barretto sa iligal na sugal

BAHAY ni DILG Sec. Jesse Robredo sa Naga, Villamor airport, dinaanang mga kalsada at hanggang sa Palasyo, parekoy, ay naglipana ang sandamakmak na yellow ribbon, na ayon sa mga taga-LP ay simbolo raw ng pagkakaisa bilang pagkilala sa magiting na Kalihim.

Ang bobo ko talaga, parekoy, hanggang ngayon kasi ang pagkakaalam ko ay bandila o watawat ng Pilipinas ang simbolo ng ating bansa kung saan tayong mga Pinoy ay dapat na mag-kaisa.

Yellow ribbon na pala ngayon? Kailan pa? Weeh!

Whatever! Bahala na sila, ang mahalaga ay magkaisa tayo sa simulain ni Sec. Robredo upang maipagpatuloy ang “wagas” na serbisyo!

Opps, sandali, parekoy, nalalapit na nga pala ang halalan, eh, di ibig sabihin ba niyan ay sa Liberal tayo magkaisa?

Tangna naman oo, ibig palang sabihin ay kanilang pinupulitika ang kamatayan ni Sec. Jesse Robredo?

Langya kayong mga “epal” kayo, pati kamatayan ng isang matinong Kalihim ay nagawa ninyong pagsamantalahan!

Eh, kung ang malinis na pagkatao ni Robredo, sa gitna nang pagdadalamhati ng kanyang pamilya at ng mamamayang Filipino ay nagawa ninyong gahasain para sa inyong political expediency, ano pa kaya kung mahalal kayo? Pwe!

Panawagan lang po sa lahat ng nagmamahal at naniniwala sa simulain ni Sec. Robredo, ating ibasura sa halalan ang lahat ng politikong umeepal sa kanyang kamatayan!!!

-o0o-

TINATAWAGAN po natin ang pansin ni Marjorie Barretto na bago pa man tuluyang mawasak ang kanyang pangalan sa iligal na sugal ay dapat na niya itong paimbestigahan!

Sa talamak na “bookies” ng lotteng at EZ-2 ni Boy Edmund sa Caloocan, kasabay rin ang pagkakalat ng mga tauhan niya na isang Marjorie Barretto ang financier nito. Ito umano ang dahilan kaya maging si Chief of Police S/Supt. Jude Santos ay hindi makapalag!

Gaano ba ka-powerful si Barretto sa Caloocan City?

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply