Banggaan ng motorsiklo at Vios

HIMALANG walang nasugatan maliban sa pagkawasak ng  bumper ng isang kotse matapos itong bundulin ng rumaragasang motorsiklo kaninang hapon sa Samson Road Sangandaan, Caloocan City.

Walang tinamong galos man o sugat sa katawan si Mark Sioson y. Gonzales ng Brgy. Sta Ana, Pateros. MM

Nagtamo lamang ng kaunting galos ang suspek na si Dondon De Guzman, ng Marikina City, isang ahente ng Globe Telecommunications.

Ayon sa ulat, dakong alas 1:00 kaninang hapon ng maganap ang insidente sa tapat ng fire department ng lungsod.

Nabatid, palabas mula sa  parking space ng fire department ang Vios na may plakang TYQ-185 na minamaneho ni Mark para patungong Monumento nang biglang bundulin ng Honda motorsiklo na may plakang 3110-TU na minamaneho ni  Dondon.

Para hindi magdulot ng mabigat na trapiko, mabilis na kumilos ang mga tauhan ng Caloocan traffic at agad inalis sa gitna ng nasabing kalsada ang dalawang nagbanggaang sasakyan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply