Bangis ng Red Lions haharapin ng Knights

NASA solo pangatlong puwesto ang defending champion San Beda College Red Lions tangan ang 6-2 panalo-talo karta sa 88th season ng NCAA men’s basketball tournament.

Magkasalo naman sa top spot ang last year’s runner-up San Sebastian College Stags at Jose Rizal U Heavy Bombers hawak ang 7-2 baraha kaya naman pakay ng Red Lions na iwasiwas ngayong gabi ang host Letran Knights para makasingit sa liderato.

Nakatakda ang sultada ng Red Lions at Knights sa ika-6:00 ng gabi pagkatapos ng banggaang Mapua Cardinals at Arellano U Chiefs sa alas-4:00 ng hapon na parehong gaganapin sa San Juan Arena.

Galing sa talo ang San Beda at Letran matapos silang matalo sa Stags, 71-80 at Heavy Bombers, 83-101 ayon sa pagkakasunod.

Mag-isa sa panglimang puwesto ang Intramuros-based Kngihts hawak ang 4-4 card habang magkasama sa sixth to seventh spot ang Cardinals at Chiefs na may tig-3-5 karta.

Samantala, hindi makalalaro ngayon si Jonathan Belorio ng Letran dahil suspindido ito ng isang laro dahil sa paniniko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply