Bangkay ng lalaki lumutang sa Pasig River

HINIHINALANG nalunod ang isang lalaki na natagpuang lulutang-lutan sa Pasig River kaninang umaga sa Intramuros, Maynila.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 40 hanggang 45 anyos, may taas na 5’5 hanggang 5’7, matipuno ang pangangatawan, nakasuot ng kulay green na T-shirt at khaki na short pants.

Ayon kay SPO1 Charles John Duran ng Manila POlied District (MPD)-Homicide Section, dakong 6:10 ng umaga nang natagpuan ang bangkay ng biktma sa Ilog Pasig sa likod ng Bureau of Immigration (BI) malapit sa Plaza Mexico, Intramuros, Maynila.

Isang John Rudolf Gabia, umano ang nakapansin sa bangkay ng biktima habang nagja-jogging ito sa lugar .

Agad namang naiahon ang biktima sa tulong ng ilang tambay sa lugar at saka inireport sa pulisya.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, wala namang nakitang anomang sugat sa katawan kaya hinila nilang nalunod at natangay lamang bangkay sa nasabing lugar.

Nabatid na namamaga na rin ang katawan ng biktima tanda na ilang araw na itong nakababad sa tubig.

Dinala sa St. Yvan Funeral Homes ang labi ng biktima para sa safekeeping at awtopisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply