Bangkay ng bebot lumutang sa estero sa Quiapo

ISANG bangkay ng hindi pa nakikilalang babae ang namataang palutang-lutang sa Estero De Arlegui, sa Quiapo, Maynila kahapon.

Ang biktima ay tinatayang nasa pagitan ng 45-50-anyos,  mahaba ang buhok, 5’1-5’3 ang taas, kayumanggi at may tattoo na lawin sa kaliwang dibdib.

Ayon kay SPO2 Ronald M. Gallo ng Crimes Against Persons Section-Manila Police District, natagpuan ang palutang-lutang na bangkay sa nasabing estero na may sugat sa ilalim ng kaliwang tainga.

Patuloy naman sa pagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply