Bangkay ng bebot lumutang sa estero

WALANG saplot pang-itaas at may hiwa sa kaliwang tenga ang isang babae na natagpuang palutang-lutang sa Estero de Arlegui sa Quiapo, Maynila.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawang nasa edad na 45 hanggang 50-anyos, may taas 5’1 – 5’3, may tattoo ng agila sa kaliwang bahagi ng dibdib, mahaba ang buhok, kayumanggi at nakasuot ng kulay gray na leggins.

Sa ulat ngayon ni SPO2 Virgo Villareal, ng Manila Police District-Homicide Section dakong alas-4:45 ng kahapon ng mapansin ng mga residente sa lugar ang bangkay ng biktima.

Agad naman itong ipinagbigay-alam kay Kagawad Amer Madid ng Barangay 384, Zone 39 upang hilahin ang bangkay ng biktima sa estero.

Ayon kay Villareal, kamamatay lamang ng biktima dahil mamula-mula pa ito.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para kilalanin ang biktima at tukuyin ang motibo sa pamamaslang dito.

Dinala na ang bangkay ng biktima sa St. Yvan Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply